Ni NITZ MIRALLES

SAGOT daw ni John Lloyd Cruz sa bashers ang sunud-sunod na 17 posts ng distorted crucifix. Wala siyang caption, comment o hashtag , kaya hindi alam ng kanyang followers kung ano ang gustong tumbukin ni John Lloyd sa post niyang ito.

Ellen at John Lloyd copy

Lalo pang na-bash si John Lloyd dahil dito, wala raw siyang galang sa relihiyon ng maraming Katoliko na sumusuporta sa kanya at naglagay sa kanya sa kinaroroonan niya ngayon.

Human-Interest

Asong malungkot din sa pagkamatay ng fur dad, dumurog sa puso ng netizens

May mga nagsabing in-unfollow nila ang aktor na ayaw naming paniwalaan dahil araw-araw ay nadadagdagan pa rin ang followers niya sa social media.

Ang isa pang post ni John Lloyd na malaki ang impact sa kanyang followers ay ang photo na parang ebak. Ang caption niya sa tinawag ng kanyang followers na pinaka-gross niyang post ay, “kuya gil, kuya allan, ako” at may emoji ng parang ebak din. 

Curious ang followers ng aktor kung sino ang dalawang pangalang binanggit niya sa post.

May mga nag-request kay John Lloyd na i-delete ang post niyang ebak, pero as of yesterday, nakikita pa rin ito at may 369 likes na. Araw-araw ay nadadagdagan din ang comments, ibig sabihin, tsini-check pa rin ng netizens.

May nagsasabing lost lang si John Lloyd and trying to find himself kaya pagbigyan daw. May kumontra rito dahil masaya raw ang aktor sa piling ni Ellen Adarna at mukhang sila na dahil sa latest post ni Ellen, nasa harap sila ng dagat, nakayakap sa kanya si John Lloyd at may caption na, “And... just like that because... why not?” May

emoji ng lalaki, heart at nakatawang lalaki.

Sa thread ng comments, marami ang pabor sa relasyon nina John Lloyd at Ellen. Pati celebrity friends ng dalawa, nagko-comment na bagay sila at may mga payo na maging masaya sila.

Sa latest post ni John Lloyd, floor lang ang kinunan ng picture at nilagyan ng caption na, “early morning workout w/ @kitzyness & (emoji ng baby at heart).” Ang baby ay tawagan nila ni Ellen at ang heart siyempre ay nangangahulugan ng love.

Heto pa, nakonek ng followers nina John Lloyd at Ellen na ‘yung floor ng picture na ipinost ni John Lloyd ay same floor ng working out room daw ni Ellen. Tanong ng fans, sa bahay ni Ellen ba nagwu-workout si John Lloyd?