Ni: Franco G. Regala

CAMP JULIAN, OLIVAS, Pampanga – Arestado ang siyam na pinaghihinalaang tulak, kabilang ang tatlong menor de edad, sa magkakahiwalay na operasyon sa Bulacan, nitong Miyerkules.

Kinilala ni Chief Supt. Amador V. Corpus, Police Regional Office (PRO)-3 director, ang mga suspek na sina Paul Vincent Manalaysay Espiritu, Marcelo Celo Lontoc, German Cadelina Galapon Jr., Mary Jane Abello Garcia, Vivian Galvez Fernando, Joey “Pugo” Alejandro Solanoy Jr., dalawang 17 taong gulang na suspek at isang 16-anyos.

Nasakote ng pulisya ang mga suspek sa Baliwag, San Rafael at Norzagaray.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Narekober mula sa mga suspek ang sampung plastic sachet ng pinaghihinalaang shabu, tatlong plastic ng pinatuyong marijuana, drug paraphernalia, at marked money.