Ni NITZ MIRALLES

WALA nang pina-follow si Kris Aquino sa Instagram (IG) and as of Tuesday, September 19, “0” o zero na ang nakalagay sa following ng kanyang IG page. 

Kris copy copy

Tinanong si Kris ng isa niyang follower kung bakit wala na siyang pina-follow pero hindi niya sinagot. Napansin din na 3.1M pa rin ang followers niya.

Human-Interest

Jeep pandagat na naimbento ng mekaniko, nagpamangha sa netizens

Ilang linggo na ring hindi nag-a-update ng kanyang posts si Kris, nakakapanibago ang kanyang pananahimik. Noong isang araw lang siya nag-post ng picture ng kanyang pamilya.

“FAMILY isn’t an important thing, it is EVERYTHING,” nakasaad sa caption niya.

Wala na ring update tungkol sa second meeting nina Kris at Willie Revillame na ibinalita niArnold Vegafria nang makita namin ito sa contract signing ng talent niyang si Teejay Marquez sa Regal Entertainment. Aywan kung totoo, pero may balitang hindi na rin kabilang si Arnold sa booking agent ni Kris.