Cojuangco, sinisi ang PSC sa palpak na SEA Games; Protesta para sa pagbabago sa POC , dumagsa

UMANI ng suporta sa netizen ang nakatakdang pagsasama-sama ng mga sports personalities, sa pangunguna ni Philippine Sports Commission (PSC) Commissioner Ramon 'El Presidente' Fernandez, sa Setyembre 21 para manawagan ng pagbabago sa Philippine Olympic Committee (POC).

Sa Facebook ni Fernandez na Maxi Green, napuno ng iba’t ibang opinyon at pagsang-ayon sa kilos-protesta mula sa mga sportsz buff, at mga dating opisyal sa pangunguna nina sports manager Relli de Leon, Philippine Volleyball Federation (PVF) president Edgardo ‘Tito Boy’ Cantada, dating PSC chairman Perry Mequi at gymnastics president Cynthia Carrion.

“We are not trying. We will RALLY FOR A CHANGE IN PHIL SPORTS.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

enough of OLD TRADITIONAL SYSTEM OF OLD POLITICIAN,” mensahe ni DeLeon sa FB account.

Si De Leon ay manager at business associate ni basketball legend at dating Senador Robert Jaworski na balae ni POC president Jose ‘Peping’ Cojuangco. Ang anak ni Jaworski na si Robert Jr. ay kasal kay Mikee Cojuangco, kasalukuyang kinatawan ng bansa sa International Olympic Committee (IOC).

Hindi naman naitago ni Cojuangco ang pagkadismaya sa planong kilos-protesta at sa panawagan ng kanyang pagbibitiw sa POC matapos maglabas ng liham sa lahat ng mga national sports associations (NSA) bago tumulak patungong Askhent, Turkmenistan.

“All NSAs beware. The PSC through Mon Fernandez with the blessing of Chairman Butch Ramirez, is trying to have a rally on Sept.21 vs POC and NSAin disguised as attacking it’s officers leadership because of reasons that POC failed to deliver in the recently concluded SEA Games, but in truth it is PSC who has failed to deliver the necessary ingredients under the PSC law like proper environment, equipment, facilities, incentives and infrastructure.

“ They have actually deprived NSAs the opportunities to get private and presidential support thru disinformation by bias Media which they have funded. What timing what deceit! They known POC-NSA are abroad for AIMAG and returning after the Sept. 21.

‘We must deplores such underhanded tactics only use as demolition vs POC-NSA. We should be united and solve the problems of out Olympic family without government interference as embodied in the Olympic Charter and guaranteed under the Philippine Constitution,” pahayag ni Cojuangco na nailathala sa Facebook.

Tinangka ng Balita na makakuha ng opisyal na kopya ng naturang sulat, ngunit walang nakapagbigay sa mga NSA’s na napagtanungan.

Iginiit naman ni Fernandez na taliwas ang mga pahayag ni Cojuangco sa tunay na kaganapan. Aniya, mula 2010 hanggang 2016 kung saan ang PSC ay pinamumunuan ng malapit niyang kaibigan na si Richie Garcia, umabot sa P129 milyon ang pondong nakuha ng POC at NSA.

“Peping and Ritchie were proud to turn over to the new board P1.4B savings which they intended for the building of a new sports complex in the Subic area. Those moneys were intended for the training of athletes and coaches and not saved!!! Malaki siguro SOP sa construction!’ sarkastikong pahayag ni Fernandez.