By: Bella Gamotea

Nalambat ng Parañaque City Police ang isang lalaki na tinaguriang No. 4 most wanted person sa lungsod, nitong Huwebes ng gabi.

Kinilala ni Senior Supt. Leon Victor Rosete, hepe ng pulisya, ang suspek na si Francis Bernal y Teves, 36, ng No. 158 Purok 1, Silverio Compound, Barangay San Isidro, Parañaque City.

Sa ulat, inaresto ng mga tauhan ng Intelligence Section, sa pangunguna ni Senior Insp. Julie Tubat, si Bernal sa kanyang bahay, dakong 11:00 ng gabi.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte, naging matagumpay ang pag-aresto sa suspek na nahaharap sa mga kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at theft.

Nakatakdang iharap sa hukuman si Bernal para sa kaukulang disposisyon.