Ni: Mary Ann Santiago

Halos araw-araw nang nagkakaroon ng problema ang mga tren ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) matapos muling makaranas ng tatlong magkakasunod na aberya ang mga pasahero nito, kahapon ng umaga.

Sa abiso ng MRT-3, unang nagkaroon ng technical problem ang isa nilang tren sa southbound ng Santolan station, dakong 6:57 ng umaga.

Makalipas ang ilang minuto, ganap na 7:18 ng umaga, nagkaroon naman ng technical problem sa southbound ng Shaw Boulevard station.

Pagsapit ng 7:38 ng umaga ay muling nakaranas ng technical problem sa northbound ng Santolan station.

National

Palasyo sa 3-day strike ng MANIBELA: ‘Hindi napapanahon, hindi makatutulong’

Dahil dito, nilimitahan sa 17 ang tren sa kasagsagan ng rush hour kahapon.

Agad namang humingi ng paumanhin ang pamunuan ng MRT- 3 dahil sa magkakasunod na aberya.