Ni: Fer Taboy

Nadakma kahapon ang isang school principal na nahaharap sa kasong acts of lasciviousness at child abuse sa Cagayan de Oro City, Misamis Orietal.

Sa report ni Chief Insp. Jason Sto. Domingo, ng Cogon Municipal Police-Station 2, kinilala ang suspek na si Arnold Tejero, ang principal ng City Central School.

Samantala, pansamantalang pinalaya ang kanyang assistant na si Rudy Villalobos, matapos ding arestuhin sa kasong child abuse.

Eleksyon

Pastor Apollo Quiboloy, nananawagan ng manual recount

Naglagak ng piyansa ang suspek na itinuturong umabuso sa dalawang mag-aaral, Grade 4 at Grade 6, matapos kasuhan noong Abril 2016.