Ni NITZ MIRALLES

ANG gandang basahin ng post ni Ogie Diaz sa Facebook tungkol sa pagkikita nila ni John Lloyd Cruz sa taping ng Home Sweet Home. Niyakap daw niya ang aktor nang walang sali-salita at alam na nito ang ibig niyang sabihin sa yakap na ‘yun.

OGIE JOHN LLOYD AT ELLEN copy

“Natuto ako, Ogs. Wala naman akong pinagsisihan, we were enjoying that time. Nalungkot lang talaga ako du’n sa dirty finger. Ayoko siyang makita ng mga bata. I’ve learned so much from this. I’m really sorry,” sabi ni John Lloyd.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Nagpahayag naman ng tuwa si John Lloyd na kahit marami ang pumuna sa pag-viral ng IG stories, pictures at videos, marami pa rin ang nagtanggol sa kanya at naintindihan siya.

“Gulat talaga ako du’n. Dami nag-defend din sa akin sa mga comments. Nakakatuwa. Pero siyempre, lesson learned for me ito. Thank you sa lahat,” pagpapasalamat ng aktor.

Ang maganda pa kay John Lloyd, inako ang nangyari at nakiusap na huwag idamay si Ellen Adarna at ang mga kaibigan nitong nag-upload ng videos, IG stories at pictures sa social media.