Ni NORA CALDERON

NAIKUWENTO ni Noel Ferrer, manager ni Ryan Agoncillo, ang biruan nila nang magkausap sila pag-uwi galing Japan ang Eat Bulaga host kasama ang Dabarkads. Masaya si Ryan dahil chill lang sila ng misis na si Judy Ann Santos sa pagbabakasyon kasama ng mga boss at katrabaho sa long-time running noontime show.

RYAN, JUDY ANNE AT MGA ANAK copy copy

Ayon daw kay Ryan, iyon ang ‘corporate culture’ nila ni Juday, kumain, magbiyahe at mag-bonding sa ibang bansa.

Human-Interest

ALAMIN: Pagbibigay ng 13th month pay sa mga empleyado, paano nagsimula?

Isinama ni Ryan si Juday para mapalitan naman daw niya iyong one month na wala siya dahil nasa Himalayas trip siya noong July. Kasama rin daw kasi ni Vic Sotto ang preggy wife nitong si Pauleen Luna at kasama rin ni Joey de Leon ang misis na si Eileen Macapagal.

Ngayong nakauwi na ng ‘Pinas, lahat na magiging busy ang Dabarkads tulad ni Bossing Vic na nagsimula nang mag-shooting ng filmfest entry nito sa December, si Joey may gagawin ding movie for OctoArts Films kasama si Paolo Ballesteros. Last out of the country trip na rin daw iyon ni Pauleen dahil binawalan na ito ng OB-Gyne na magbiyahe ng malayo. At si Juday naman, magsisimula na ang shooting sa Ang Dalawang Mrs. Reyes with Angelica Panganiban.

Biniro tuloy ni Noel si Ryan kung may nangyari ba sa five-day vacation nila sa Japan. Naging honeymoon ba ito ng mag-asawa? Umamin naman daw si Ryan na baka magbunga ang biyahe nilang iyon ng misis niya.

“Naku, bago pa nga kami mag-Japan, parang nag-swak ang lahat. Bahala na si Lord kung masusundan pa si Luna,” may halong birong sagot ni Ryan.

No problem naman kina Ryan at Juday kung masundan pa ulit si Luna at maging apat na ang kanilang mga anak.