Ni: Kate Louise Javier

Arestado ang isang lalaki matapos umanong patayin ang sarili niyang kapatid sa loob ng kanilang bahay sa Caloocan City kamakalawa.

Ayon sa awtoridad, namatay si Ikkie Joey Pradas, 29, seaman, sa mga kamay ng kanyang kapatid na si Leonel Pradas, 28.

Base sa inisyal na imbestigasyon, nagtatalo ang magkapatid sa loob ng kanilang bahay sa Blk 9 Lot 2, Lansones Street, Barangay 177, Camarin, Caloocan City, dakong 1:45 ng madaling araw.

Sa pahayag ni Leomel Pradas, kapatid ng dalawa, narinig niya ang pagkabasag ng bote at nang kanyang silipin, nakita niya ang duguang si Joey na nakabulagta habang hawak ni Leonel ang isang piraso ng basag na bote.

Probinsya

Nasa 15 katao, sugatan sa salpukan ng isang jeep at kotse; 5 sa kanila, nadaanan lang!

Base sa report, agad isinugod ni Leonel sa Commonwealth Hospital si Joey kung saan ito idineklarang dead on arrival.

Kasalukuyang nakakulong sa Caloocan Police headquarters ang suspek habang isinasagawa ang follow-up investigation.