Ni: Bella Gamotea

Arestado ang limang binata sa pagkakasangkot sa riot sa isang palengke sa Pasay City, iniulat kahapon.

Kinilala ang mga inaresto na sina Rodney Salidales y Brahas, 19, ng Sitio Mangahan, Barangay 201; Eldrin Mabolo y Roxas, 24, ng Bgy. 201; Nico Rufino y Crisostomo, 22, ng Sapat Street, Bgy. 201, Pasay City; Carleton Broa y Masangkay, 25, ng Signal Village, Taguig City; at Levi Ismael y Aguinaldo, 25, ng No. 18 Bgy. 201, Pasay City.

Sa inisyal na ulat, naganap ang riot sa Balagbag Market West Service Road, Pasay City na naging sanhi ng pagkatakot ng mga mamimili at negosyante sa lugar, kahapon ng umaga.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Agad ipinaalam ang sa awtoridad ang insidente, sa pamamagitan ng 911 CODE 0068, at agad nirespondehan ng mga tauhan ng Police Community Precinct 10 at tuluyang hinuli ang mga suspek.

Inihahanda na ng awtoridad ang kasong alarm and scandal laban sa mga suspek. Nakatakda ring magsampa ng kasong malicious mischief ang Balagbag Market.

Patuloy na inaalam ang sanhi ng riot.