Ni: Mary Ann Santiago

Tuluyang namahinga ang isang lalaki nang pagbabarilin ng tatlong hindi pa nakikilalang lalaki sa loob ng bahay nito sa Pasig City, kamakalawa ng gabi.

Dead on the spot si Jophil Natalio, nasa hustong gulang, na pinaulanan ng bala habang nanonood ng telebisyon sa loob ng kanyang bahay sa Acacia Gahit Street, Barangay Pinagbuhatan, dakong 9:15 ng gabi.

Sa ulat ng Pasig City Police, sapilitang binuksan ng mga suspek ang pinto ng bahay at pinagbabaril ang biktima bago tuluyang tumakas.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Nakarekober sa pinangyarihan ang isang S&W caliber .38 revolver at mga basyo ng bala.