Ni: Lyka Manalo

LEMERY, Batangas - Matapos ang ilang araw sa ospital, binawian ng buhay ang isang delivery boy matapos umanong suntukin ng kasamahan at mabagok sa Lemery, Batangas.

Kinilala ang biktimang si Salvador Arteza, 39, ng Barangay District IV sa naturang bayan.

Pinaghahanap naman ang suspek na si Aldrin Jay Sanchez, delivery boy at residente ng Bgy. Palanas.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Ayon sa report ng Batangas Police Provincial Office (BPPO), Sabado nang mag-report sa pulisya ang live-in partner ng biktima na si Aileen Pesigan na sinuntok umano si Arteza ng kapwa lasing na delivery boy noong Agosto 7.

Tinamaan sa mukha ang biktima at nawalan ng balanse kaya bumagsak sa sementong sahig, at makalipas ang ilang araw sa ospital ay binawian din ng buhay dahil sa head injury.