Nestor Colonia
Nestor Colonia

KUALA LUMPUR – Tatangkain ng Olympian na si Nestor Colonia na patunayan na mali ang kanyang mga kritiko sa kanyang gagawing make-or-break campaign para sa Team Philippines sa pagsalang niya ngayon sa men’s 56kg division ng 29th Southeast Asian Games weightlifting competition sa MITEC Hall 11.

Ayon kay Philippine Weightlifting Federation (PWF) president Monico Puentevella, malaki ang kanilang inaasahan para sa kanilang nag-iisang atleta sakabila ng katotohanng kagagling pa lamang nito sa operasyon sa kanyang likod.

“It’s a make-or-break campaign for us,” ani Puentevella na dating chairman ng Philippine Olympic Committee (POC).

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

“We didn’t send any athlete because they didn’t pass the criteria. On the other hand, the organizers scrapped women’s events so our best lifter, Hidilyn Diaz, isn’t competing.”

Kasama nila si Diaz, ang silver medalist sa nakaraang Rio de Janeiro Olympics,upang mag-cheer t magbigay inpirasyon sa kanyang kaibigang si Colonia na sasabak ngayong 11:00 ng umaga.

“I’m here to cheer for him,” ani Diaz, na dumating noong Linggo at sumuporta sa mga Filipino athletes na lumaban sa billiards, taekwondo at judo.

Bukod sa pagsabak sa nakaraang Olympics, nagwagi na din si Colonia ng gold medal noong 2015 Asian Championships at pumangatlo sa clean and jerk event noong 2015 World at 2016 Asian Championship.

Ayon kay Puentevella, maaaring sundan ni Colonia ang mga yapak ni Diaz.

“He could be like Hidilyn,”ani Puentevella. “But first, he has to prove that he has what it takes to bounce back and remain with the national team.”