Ni: Mary Ann Santiago

Hindi nagdalawang-isip ang mga tauhan ng Manila Police District (MPD) na arestuhin ang isang matandaeng babae, na umano’y kabilang sa drug watch list, matapos pagbentahan ng shabu ang awtoridad sa buy-bust operation sa Sta. Mesa, Maynila kamakalawa.

Kasalukuyang nakakulong sa MPD-Station 8 si Linda Flores, 66, alyas Manay, ng 4886 Int. 19 Likha Street, Old Sta. Mesa, na nakumpiskahan ng dalawang pakete ng umano’y shabu at nakuha rin sa kanya ang P200 marked money.

Sa ulat ng pulisya, ikinasa ang buy-bust operation laban kay Flores sa San Lorenzo St., Sta. Mesa makaraang makatanggap ng tip na patuloy pa rin itong naglalako ng shabu, bandang 1:00 ng hapon.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Nagsilbing poseur-buyer si PO1 Michael Balce at agad inaresto si Flores nang magkaabutan ng umano’y shabu at marked money.

Sasampahan si Flores ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.