Ni: Fer Taboy

Sinibak kahapon bilang hepe ng Northern Samar Police Provincial Office si Senior Supt. Cesar Tanagan, matapos na ireklamo ng panggagahasa ng isang 30-anyos na babaeng pulis.

Ayon sa biktima, nangyari umano ang panghahalay noong Agosto 9 at 10, 2017.

Kinumpirma naman ni Chief Supt. Elmer Beltejar, director ng Police Regional Office (PRO)-8, na gumugulong na ang imbestigasyon sa kaso laban kay Tanagan.

Probinsya

Atimonan mayor, kinondena pamamaslang sa 10-anyos na batang babae

Bukod sa nagreklamong pulis, nabatid na dalawang babae na parehong dating secretary ni Tanagan ang tinangka umanong halayin ng opisyal.

Gayunman, hindi nagreklamo ang dalawang babae ngunit nagpalipat na lang ng ibang assignment.

Pansamantala, pinalitan si Tanagan ni Senior Supt. Felix Diloy, dating hepe ng Logistics Department ng PRO-8.