TOKYO (AP) – Kinumpirma ng mga opisyal ng United States na sisibakin ang commander ng 7th Fleet ng Navy matapos ang sunod-sunod na aksidente ng mga warship sa Pacific.

Sinabi ng isa sa mga opisyal nitong Miyerkules na tatanggalin si Vice Adm. Joseph Aucoin dahil sa kawalan ng tiwala ng liderato sa kakayahan niyang mamuno.

Ang hakbang ay kasunod ng dalawang madudugong aksidente na mga barko ng Navy. Pitong sailor ang namatay nitong Hunyo nang bumangga ang USS Fitzgerald sa isang argo ship sa dagat ng Japan. Nakabangga naman ng USS John S. McCain ang isang tanker nitong Lunes sa dagat ng Singapore, at natagpuan na ang bangkay ng ilang sailor sa compartment ng barko.
Internasyonal

Misa ng Santo Papa dinumog, halos kalahati ng populasyon ng East Timor, dumalo