Ni: Nitz Miralles

NAKITA namin sa Instagram page ng Star Cinema ang kuha sa napakaraming tao sa Road Tour Kickoff para sa promo ng pelikulang Love You To The Stars and Back. Sumugod ang maraming tao sa Ayala Malls Solenad sa Nuvali, Sta. Rosa, Laguna.

Julia at Joshua copy copy

Tiyak na dudumugin din ng fans ang mga susunod na mall show ng dalawa at iba pang cast ng movie na showing sa August 30.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Kakaibang kilig ang hatid ng pelikula sa direction ni Antoinette Jadaone dahil may anggulong alien. Siniguro rin ni direk Tonette Jadaone na kahit may anggulong cancer, kaiba ito sa movie nina Shailene Woodley at Andel Elgorts na The Fault in Our Stars. We have to watch the movie para malaman ang pagkakaiba.

Anyway, napansin sa presscon ang concern ni Julia kay Joshua nang mag-volunteer na siya na lang ang sasagot sa mga tanong na ayaw sagutin o matagal sagutin ni Joshua. Ang sweet ng pakiusap ni Julia na “puwedeng ako na lang ang sumagot?” at twice o thrice niya itong sinabi at siguradong kinilig si Joshua sa gesture ng ka-love team at future girlfriend.

Ang sweet din na kahit hindi pa magsiyota, “Baba” na ang terms of endearment nina Joshua at Julia. Hindi naipaliwanag ng dalawa kung bakit “Baba” ang tawagan nila, basta isang araw, nagising sila na ‘yun na ang tawagan nilang dalawa.