Ni: Jimi Escala

MAY blessing daw si Cesar Montano sa pakikipagrelasyon ng dating asawang si Sunshine Cruz sa boyfriend nitong si Macky Mathay. Banggit pa ni Cesar, masaya raw ito para sa kanyang dating asawa.

Pero napailing na lang si Sunshine nang makausap namin para hingan ng komento.

Sunshine copy

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

“You don’t want to comment on any of his statement, Kuya Jimi. No time for that,” sabi ng isa sa cast ng Wildflower.

Dagdag ng aktres, mas makabubuti pang pagtuunan na lang niya ng pansin ang patuloy na gumagandang showbiz career niya at ang annulment case nila ng dating asawa na wala pa ring desisyon ang husgado.

“Focused na lang muna on my cases, especially annulment na until now, eh, kino-contest pa rin niya,” seryosong lahad ni Sunshine.

Aniya, mahigit apat na taon na siyang nahihirapan at naiinip sa naturang kaso nila ng dating asawa.

“Four years na ‘yan. Tagal na ang pagtitiis. ‘Di ko na mabilang kung nakailang hearing na kami,” lahad pa ni Shine.

May binanggit pa si Cesar na willing naman itong makita at makaharap ang boyfriend niya at wala naman daw itong hindi magandang masasabi sa kanila.

“Ganu’n? Hay, naku, basta no comment na lang ako,” may diing sagot ni Sunshine.

Samantala, proud at happy si Sunshine sa serye nilang Wilflower na napanatili ang pagiging number one. Hanggang 2018 na nga ba ito?

“Well, very much happy kaming lahat pero wala pa akong confirmation kung mai-extend nga kami hanggang 2018 but we are doing great and happy ako na part ako sa Wildflower,” sagot niya.