Butch Ramirez, PSC

DAVAO CITY – Umani ng papuri mula sa mga sports at tribal leaders, gayundin sa lokal na pamahalaan ang makabuluhang Inter-Faith Children’s Games na nagtapos nitong Linggo sa Mergrande Ocean Resort sa Toril District dito.

Dahil sa inspirasyon na hatid ng programa na nasa pangangasiwa ng ‘Sports for peace’ ng Philippine Sports Commission (PSC), nagsimula nang magbuo ng kahalintulad na programa ang Barangay Pañalum sa Paquibato District, may tatlong oras ang layo sa lungsod.

Ayon kay Datu Boyson Anib, barangay councilor ng naturang distrito, na napapanahon ang programa na tunay na nagbigay ng kabuluhan sa batang kaisipan ng mga kalahok.

Trending

Mister, gustong makitang nakikipagtalik ang misis niya sa iba

“We will hold Children’s Games every month, we will revive the games of the indigenous people. I hope this will be replicated to other barangays),” aniya.

Iginiit niya na napataas ang kaisipan at pangunawa ng mga kabataan sa isinagawang inter-action sa kanilang kapwa.

“The children learned so much. They were hesitant at first but with the orientation not to be shy it really helped,” sambit ni Anib.

May kabuuang 80 kabataan mula sa Barangay Pañalum ang nakiisa sa dalawang araw na programa na bahagi ng aktibidad ng pamosong ‘Kadayawan’ festival.

Sa pagtatapos ng programa, pinangunahan nina PSC Chairman William ‘Butch’ Ramirez at Commissioner Celia Kiram, ang pagdikit ng mga ginawang eroplano at ibong gawa sa papel sa isang malaking globo.

Ayon kay overall coordinator Serge Opeña, may hatid na mensahe ang naturang gawain sa nais marating sa buhay ng mga batang kalahok.

“Hindi man nila master ang globe pero ang mga bata may concept na kung saan nila gusto makakarating ang peace sa mundo through the paper planes and birds,” aniya.

“The Children’s Games is really my focus now that Unesco is interested with what we are doing. It’s getting good results kasi walang protests dito walang nag-aaway. Laro langm” pahayag ni Ramirez.