FINLAND (AFP) – Binaril at nasugatan ng awtoridad ang suspek sa pananaksak na ikinamatay ng dalawang katao at ikinasugat ng anim na iba pa sa Finnish City ng Turku.

Sa kasagsagan ng pag-atake nitong Biyernes, ipinag-utos ng pulisya ang pagpapakalat ng mga police patrol sa buong bansa.

“There are eight victims in the stabbing. Two dead and six injured,” tweet ng Turku police matapos ang pag-atake sa market square. Sa pahayag ng isang opisyal sa ospital, lahat ng biktima ay matanda.

Nabaril ng pulis sa hita ang suspek ilang minuto matapos ang pag-atake sa ‘di kalayuang lugar, agad itong inaresto at kinumpiska ang dalang kutsilyo.

Internasyonal

‘Doraemon’ voice actor Nobuyo Oyama, pumanaw na

Hindi pa natutukoy ang pagkakakilanlan ng suspek o ang motibo nito sa pag-atake, sinabi ng awtoridad nitong Biyernes ng gabi.