Ni: Argyll Cyrus B. Geducos

Inihayag kahapon ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na magbabalik-eskuwela na ang Mindanao State University (MSU) main campus sa Marawi City, Lanao del Sur sa Martes, Agosto 22.

Ito ay makaraang piliin ng mga estudyante sa main campus na lumikas nang sumiklab ang bakbakan sa pagitan ng mga tropa ng gobyerno at ng Maute Group na kaalyado ng Islamic State noong Mayo 23.

Sinabi ni AFP spokesperson Brig. Gen. Restituto Padilla na nakikipagtulungan na ngayon ang AFP sa lokal na pamahalaan at sa MSU community kaugnay ng paghahanda sa balik-eskuwela.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

“The AFP and the Philippine National Police (PNP) are now busy helping prepare the whole campus and its environs as well as residents around the area for the return back to normal of MSU,” sinabi ni Padilla sa ‘Mindanao Hour’ press briefing kahapon ng umaga.

“We will be facilitating and providing transportation for 800 balik-eskuwela students of MSU from the current areas they are now in Iligan and vicinity back to MSU itself,” dagdag niya.

Tiniyak ni Padilla na kilo-kilometro ang layo ng MSU sa war zone kaya ligtas na, kahit sa ligaw na bala, ang mga estudyante—na ang ilan ay tumutuloy sa mga dormitoryo sa loob ng unibersidad.

Gayunman, nilinaw ng militar na hindi pa maaaring magbalik sa kani-kanilang bahay ang mga sibilyan.

Batay sa huling update ng AFP, nasa 45 sibilyan pa rin ang nasawi sa bakbakan, gayundin ang 573 terorista, at 128 pulis at sundalo.