Ni MERCY LEJARDE

NAGPASABOG si Andrea Torres ng kaseksihan sa pilot episode ng Alyas Robin Hood. Napanood siya ng maraming televiewers dahil marami ang tumutok sa pagbabalik ni Dingdong Dantes as Alyas Robin Hood sa primetime block ng GMA.

Andrea Torres (7) copy

Talaga naman kasing kapana-panabik ang actions scenes maging ng unang season nito. Tunay ngang level up kung level up, huh!

Human-Interest

Asong malungkot din sa pagkamatay ng fur dad, dumurog sa puso ng netizens

Pero ang isa pa sa pumukaw sa atensiyon namin ay ang kaseksihan ni Andrea na gumaganap bilang Venus, ang girlfriend ni Pepe.

Grabe lang ang katawan niya. Perfect talaga. Pasabog talaga ang naging entrance niya sa pilot episode. Sizzling hot at nag-uumapaw ang kaseksihan.

Ayon sa dalaga, iba raw kasi talaga ang ibinibigay na energy ng seryeng ito sa kanya.

“With Alyas Robin Hood, parang ewan ko, nagkakaroon ako ng lakas ng loob,” sabi ni Andrea. “Ang dami kong na-conquer talaga na fears. And at least, nakatulong din siya sa every day life ko. At least hindi na ako ganu’n kamatatakutin.”

Sey mo, Marian Rivera Dantes? Insert smiley, u!