Ni: Leandro Alborote

LA PAZ, Tarlac – Tinaló ng mga hinihinalang kawatan ang mismong alkalde ng kanilang bayan at nilooban ang poultry farm nito sa Barangay Caramutan, La Paz, Tarlac, nitong Huwebes.

Kinumpirma ni SPO1 Gulliver Guevarra ang pagkakaaresto kina Rowel Umali Salas, Jhovanie Fajardo Maalihan, Reggie Salas, at Kevin Yabes, pawang residente ng Bgy. San Roque, La Paz.

Dinakip ang apat sa umano’y pagnanakaw sa manukan ni Mayor Michael “Bong” Manuel sa Bgy. Caramutan.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Sinabi ni Marilyn Manuel Pacelo, 45, farm manager, na dakong 5:00 ng hapon at nag-iimbentaryo siya sa bodega nang matuklasang nawawala ang pitong sako ng feeds.