Ni: Leandro Alborote

CONCEPCION, Tarlac - Nakakulimbat ng halos P200,000 halaga ng cash, electronic gadgets at alahas ang hinihinalang mga miyembro ng Akyat Bahay gang matapos looban ang isang Norwegian sa Barangay Sta. Rosa, Concepcion, Tarlac, kahapon ng madaling araw.

Ayon kay PO2 Jose Dayrit Baluyut III, natangay kay Susana Kittilzen, 52, may asawa, ang isang shoulder bag na may mahigit P130,000 cash, isang Samsung SG cell phone na nagkakahalaga ng P32,000, isang Armani wristwatch na nasa P12,000, at isang Nokia Lumia na nagkakahalaga ng P20,000.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog