Ni JIMI ESCALA

IBINULONG sa amin ng isang kilalang TV personality ang balitang nakarating sa kanya na may pinaplantsang bonggang TV show ang GMA-7 para kay Kris Aquino.

KRIS copy copy

Sabi ng source namin, mismong mga kaibigan niya sa Kapuso Network ang nagparating sa kanya ng naturang balita. Kahit pabulong, malinaw naming narinig na ang pagkakaroon ng show ni Kris Aquino ang isa sa mga importanteng pinag-usapan sa isang meeting na ipinatawag ng big bosses ng GMA-7.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Ayon pa sa source, may isang taong namamagitan para sa pagbabalik telebisyon ng Queen of All Media. Pero wala naman daw sa naturang meeting ang sinasabing manager ni Kris na si Mr. Tony Tuviera o kahit man lamang representative ng APT Entertainment.

Ikinuwento ng mga kaibigan sa Siyete ng source namin na kakaiba raw ang konsepto ng gagawing TV show ni Kris sa Channel 7.

“Magiging blocktimer ang programang gagawin ni Kris. Kumbaga, si Kris mismo ang producer,” sey pa ng kausap namin.

Samantala, pinabulaanan ng source namin ang naging usap-usapan kamakailan na may plano rin ang ABS-CBN para sa dating alagang si Kris Aquino. Sa pagkakaalam daw niya ay wala ganitong pag-uusap sa Dos.

Katwiran ng source, hindi pa raw yata nakaka-move on ang isang executive. Ang naturang executive raw ang dahilan kung bakit malabong magkaroon ng project si Kris Aquino sa ABS-CBN.