Ni: Ni JINKY LOU A. TABOR
CATANDUANES – Isang binatilyo na pangunahing suspek sa pananaksak at pagpatay sa isang “maghahagot” o abaca stripper ang kusang sumuko sa himpilan ng Caramoran Police nitong Miyerkules ng tanghali.
Kasama ng 16-anyos na Grade 10 student, taga-Barangay Dariao, Caramoa, ang kanyang ama at ang kapitan ng Dariao na si Zeth P. Valenzuela nang magtungo siya sa pulisya.
Nauna rito, sumuko na rin sa pulisya ang isa pang suspek sa krimen na si Vic Domingo y Yuga, 25, binata, abaca stripper, ng Bgy. Bothoan, kasama rin ang kanyang ama.
Bandang 4:00 ng hapon nitong Agosto 15 nang mangyari ang pananaksak sa Bagong Lipunan Street, Purok 6, na ikinasawi ni John Mark Clavano y Samudio, 20, binata, abaca stripper, ng Bgy. Tubli, Caramoran.
Sinaksak si Samudio ng dalawang suspek habang naglalakad matapos dumalo sa Basketball Tournament Victory Ball sa Dariao Plaza.
Naisugod pa siya ng mga opisyal ng barangay sa Pandan District Hospital ngunit hindi na umabot nang buhay.