Ni: Orly L. Barcala

Patay ang isang carjacker matapos makipagbarilan sa mga pulis sa Caloocan City, kahapon ng madaling araw.

Kinilala lamang ang suspek sa alyas na “Junel”.

Base sa report, nakatanggap ng impormasyon ang mga tauhan ng Caloocan Police Anti-Carnapping Unit tungkol sa isang carjacker sa King Fahad Street, Phase 12, Barangay 188, Tala.

National

Leni Robredo binisita puntod ng asawa bago tuluyang naghain ng COC sa Naga City

Nagsagawa ng checkpoint ang mga operatiba ng PCP-4 at ng ANCAR, dakong 1:20 ng madaling araw.

Pagsapit sa lugar, agad napansin ng suspek ang mga paparating na pulis at pinaputukan ang mga ito dahilan upang gumanti ang awtoridad na naging sanhi ng pagkamatay ni Junel.

Narekober mula sa suspek ang isang cal. 38, tatlong pakete ng umano’y shabu at ang ninakaw nitong motorsiklo.