Ni: Light A. Nolasco

TALAVERA, Nueva Ecija – Patay ang dalawang pinaghihinalaang tulak matapos umanong manlaban sa pulisya sa inilatag na anti-drug operation sa Barangay Pag-asa sa Talavera, Nueva Ecija, nitong Lunes.

Pinangunahan ni Supt. Joe Neil E. Rojo, OIC ng Talavera Police, at mga tauhan nito ang operasyon at kinilala ang dalawang napatay na sina Edmond Dacir, 35, ng Bgy. San Isidro; at Abel Erica, 36, ng Bgy. Sta. Barbara.

Base sa ulat ng pulisya, isinailalim sa buy-bust operation ang dalawa subalit nakatunog na mga pulis ang katransaksiyon, kaya umatras at nanlaban sanhi upang magkapalitan ng putok na ikinamatay ng dalawa.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Narekober mula sa lugar ng insidente ang isang .45 caliber pistol, ilang plastic sachet ng hinihinalang shabu, motorsiklong walang plaka at R500 marked money.