NEW YORK (AP) — Muling masisilayan ang kagandahan at kahusayan ni Maria Sharapova sa Grand Slam event nang pagkalooban ng wild-card invitation para sa U.S. Open’s main draw nitong Martes (Miyerkules sa Manila).

sharapova copy

Ito ang unang sabak ng five-time major champion sa Grand Slam matapos masuspinde ng 15-buwan bunsod ng pagkakasabit sa doping test.

Kabilang si Sharapova sa walong babaeng player na binigyan ng wild card entry sa 128-player field ng U.S. Tennis Association.

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

Kabilang ang US Open (2006) sa major title ng dating world No.1 bago nabakante nang mahigit isang taon.

“Her suspension under the terms of the tennis anti-doping program was completed and therefore was not one of the factors weighed in our wild-card selection process,” pahayag ng USTA.

Ipinahayag din ng organization na nagboluntaryo si Sharapova na magbigay ng mensahe sa mga batang player sa USTA national campus para talakayin ang kahalagahan ng anti-doping program at responsibilidad ng player para tumalima.

Nabigyan din ng wild card sina Taylor Townsend, reigning U.S. Open girls’ champion Kayla Day, 2017 NCAA singles champion Brienne Minor, U.S. Open wild-card challenge winner Sofia Kenin, USTA Girls’ 18s national champion Ashley Kratzer at Amandine Hesse ng France.

Nakatakda ang U.S. Open sa Agosto 28 sa Flushing Meadows.