Ni NITZ MIRALLES

NAG-APOLOGIZE na si JC de Vera kay Daniel Padilla sa hindi sinasadyang pagkakasakitan nila sa basketball game ng Star Magic sa Araneta Coliseum last Sunday.

JC-De-Vera-1024x1024 copy copy

Sa Twitter idinaan ni JC ang pagso-sorry kay Daniel, at sabi niya, “Congratulations to everyone. Nadala kami lahat sa emotions. Humingi na rin ako ng pasensiya. Sorry Bro @iamdanielpadilla. Good game sa lahat!”

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Sabi sa report ni MJ Felipe: “Tension was felt when JC de Vera fouled Daniel Padilla, middle of 3Q. Gerald Anderson had to calm Karla Estrada, shouting & pointing at JC.”

Sa pagso-sorry ni JC, siguro naman pinatawad na siya ni Daniel kung nasaktan man siya at maging ni Karla na rin na sobrang naapektuhan sa nangyari sa anak.