Coach Robinson at Blazer’s JJ Domingo, suspendido sa NCAA.

WALANG lugar ang init ng ulo sa NCAA Season 93.

Natikman ni Lyceum of the Philippines University coach Topex Robinson ang ngitngit ng Management Committee (ManCom) nang patawan siya ng isang larong suspensyon.

Suspendido rin ng isang laro si St. Benilde guard JJ Domingo dahil sa ‘unsportsmanlike conduct’ na kanilang ipinakita sa kani-kanilang laro nitong Huwebes sa 93rd NCAA basketball tournament.

Mga Pagdiriwang

ALAMIN: 10 bansang hindi nagdiriwang ng Pasko

2 copy copy

Tila bulkan na sumabog ang ngitngit ni Robinson, kilala bilang tahimik na bench tactician, nang patawan nang magkasunod na technical fouls may anim na minuto ang nalalabi sa second quarter.

Sa kabila ng pagkapatalsik kay Robinson, nagawang maipanalo ng Pirates ang laro, 97-93, kontra Emilio Aguinaldo Generals para mahila ang winning streak sa anim na laro.

Nasibak naman sa laro si Domingo bunsod ng flagrant foul kay San Sebastian’s Allyn Bulanadi sa nakadidismayang 71-101 kabiguan sa Stags.

Batay sa house rules ng liga, awtomatikong suspendido ng isang laro ang coach at player na matatawagan ng unsportsdmanlike.

“Yes, they are suspended,” pahayag ni NCAA Management Committee chair Fr. Glyn Ortega, OAR, ng host San Sebastian.

Patuloy namang iniimbestigahan ang isyu hingil sa pagmamarkulyo ni Perpetual Help coach Nic Omorogbe, sa dugout ng koponan matapos magtamo ng dikitang 61-63 kabiguan sa Letran nitong Biyernes.

Sinabi ni Sammy Acaylar, Perpetual Help athletic director, sa Mancom na babayaran ng Altas ang gastusin sa pagpapagawa nang mga nasirang gamit sa dugout.

“He (Omorogbe) was just emotional after the loss but on the damaged door, we will shoulder everything to repair it,” sambit ni Acaylar, bahagi ng men’s volleyball team na sasabak sa Southeast Asian Games sa Aug. 19-31 sa Kuala Lumpur, Malaysia.