Ni: Liezle Basa Iñigo

Patay ang isang retiradong opisyal ng pulisya matapos na paulanan ng bala habang nakikipag-inuman sa tatlong iba pa sa Barangay 7 sa San Manuel, Sarrat, Ilocos Norte.

Sa report kahapon ng Ilocos Norte Police, nakilala ang napatay na si retired Supt. Jeffrey Gorospe, 55, ng Brgy. 8, San Antonio, Sarrat.

Nakaligtas naman ang mga kainuman ni Gorospe na sina Engr. Rodennis Sanchez , 37; Mark Baptista, 35, kapwa taga-Brgy. 7, San Manuel, Sarrat; at Elmer Teodesia, 37, ng Novaliches, Quezon City.

Probinsya

13-anyos na babae, hinalay matapos mangaroling

Dakong 10:35 ng gabi nitong Martes nang mag-inuman ang mga biktima sa bahay ni Sanchez nang makarinig ang grupo ng magkakasunod na putok.

Sinabihan ni Gorospe ang mga kasamahan na patayin ang ilaw upang hindi makita ng mga suspek ang tinatarget, hanggang matamaan ang dating pulis sa 11 bala ng caliber .5.56 mm na pinakawalan ng mga armado.