Ni JIMI ESCALA

HAPPY and contented si Jake Cuenca sa takbo ng kanyang showbiz career ngayon. May regular daily daytime series siyang Ikaw Lang Ang Iibigin at busy sa promosyon ng pelikulang Requited na isa sa official entries sa Cinemalaya 2017.

JAKE AT COCO copy copy

Ikinatutuwa rin ni Jake ang muli nilang pagsasama sa trabaho ni Coco Martin sa pang-MMFF entry na Ang Panday. May himig ng pagmamalaking banggit ni Jake, maganda ang naging working relationship nila ni Coco kaya no wonder, personal choice siya nito para gumanap sa napakaimportanteng role sa unang directorial nito.

Human-Interest

ALAMIN: Ang 2025 sa ilalim ng Year of the Wooden Snake

Si Jake ang gaganap bilang Lizardo sa Ang Panday. At proud na proud siyang maging kontrabida ni Coco.

“Iba ‘yung naging diskarte namin ni Coco pagdating d’yan. I mean, sa mga projects na magkasama kami, eh, we have our own relation pagdating sa trabaho, and I guess ‘yun ang nagustuhan ni Coco kaya niya ako pinili,” sabi ni Jake.

Walang problema kay Jake kahit kontrabida ang papel niya. Hindi isyu sa kanya ang pagiging bida o kontrabida kundi kung paano maipapakita sa mga tao ang pagdadala sa papel na ibinigay sa kanya.

“Ako kasi the way I go about it, sinasabi ko rin sa ibang aspiring na artista na huwag nilang husgahan agad ang character nila sa gagawin nila, kahit ba isa kang supporting, kunwari ikaw ‘yung best friend ng bida, ikaw ang kontrabida, it is still your story, nasa iyo ‘yun kung paano mo i-deliver,” lahad ni Jake.

Ang mga feedback na natatanggap pagkatapos mapanood ang performance niya ay ang kanyang basehan kung naibigay niya ang “the best” niya.

“Sa totoo lang naman, regardless if they really hate me or they love me as long as I get a reaction from them, ‘yun ang importante sa akin,” lahad pa ng magaling na alaga ni Kaibigang Niel de Guia.