Ni NORA CALDERON

TAPOS nang mag-taping si Jennylyn Mercado ng My Love From The Star, kaya ready na siyang mag-shooting ng bagong movie niya -- ang Almost Is Not Enough from Quantum Films, isa sa official entries sa Metro Manila Film Festival (MMFF) 2017 sa December.

Pero hindi na sila balik-tambalan ni Jericho Rosales, na una niyang nakasama sa Walang Forever noong MMFF 2015 na isa sa naging top-grosser. Pareho rin silang nanalo ng acting awards for the movie. Dapat nga ay sila muli ang magtatambal ngayong taong ito pero hindi na tuloy.

JENNYLYN AT DEREK
JENNYLYN AT DEREK
Sa halip ay sina Jennylyn at Derek Ramsay ang magbabalik-tambalan.

BALITAnaw

ALAMIN: Mga dapat mong malaman tungkol kay Jose Rizal

Una silang nagtambal sa naging blockbuster hit din noong MMFF 2014, ang English Only Please. Nagkamit din ng Best Actress at Best Actor award respectively sina Jennylyn at Derek. Mula iyon sa direksiyon ni Dan Villegas, kaya grand reunion nilang tatlo ngayon sa Almost Is Not Enough.

Bakit hindi na si Jericho ang leading man ni Jen?

May ruling na kasi ngayon ang MMFF na hindi puwedeng dalawa ang entry ng director at lead stars ng movie. May isa pang ginawang pelikula si Jericho, ang Siargao with Erich Gonzales na pinamahalaan ni Paul Soriano. May isa pa uling gagawing pelikula si Jericho na isasali naman sa Sundance Film Festival sa January 2018, kaya magiging busy na siya sa dalawang pelikula.

Tamang-tama naman na wala pang bagong project si Derek kaya madali siyang nakuha ni Atty. Joji Alonso, at madaling nai-submit ang name niya bilang kapalit ni Jericho for the approval ng MMFF selection committee.

Balitang nagsimula nang mag-shooting sina Jennylyn at Derek dahil ang finish product ng movie ay kailangang mai-submit sa October 31.