Ni JUN FABON

Nalagutan ng hininga ang isang rider nang salpukin ng isa sa apat na nagkarambolang sasakyan sa Quezon Avenue Extension, sa EDSA, Quezon City kahapon.

Kinilala ng Traffic Sector 6 ang nasawi na si Hermimio Cruz, Jr., ng Robert Street, Group 13, Payatas B, Barangay Payatas.

Namatay si Cruz habang nilalapatan ng lunas sa ospital dahil sa matinding pinsala sa katawan.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Sa report ni PO3 Andy Sotto, ng Traffic Sector 6, naganap ang salpukan ng mga sasakyan sa Quezon Avenue Extension cor Agham Road, Bgy. Bagong Pag-asa, bandang 7:30 ng umaga.

Ayon kay Sotto, mayroong nagkarerahang kotse at pagsapit sa underpass sa Agham Road, sumulpot ang humahagibis na Toyota Vios at nahagip ang kasabayan na taxi at tuluyang sumalpok sa motorsiklo ni Herminio.