Pinaiimbestigahan ni Quezon City Police District (QCPD) Director Police Chief Supt. Guillermo Lorenzo T. Eleazar ang pagkakapatay sa isang dayo, na sinasabing drug user, sa Quezon City kahapon ng madaling araw.

Sa report ng Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU), kinilala ang napatay na suspek sa alyas na “Pajo”.

Sa imbestigasyon ng CIDU, nakarinig ng mga putok na baril si Shirley, residente, sa may Purok 2, Area 5 Laura Street cor Commonwealth Avenue, Barangay Old Balara, dakong 3:30 ng madaling araw.

Dahil sa pagkabahala, pinuntahan ni Shirley ang pinagmulan ng putok at tumambad ang duguang bangkay ni Pajo at ipinagbigay-alam sa Batasan Police-Station 6. - Jun Fabon

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20