Ni NORA CALDERON

WALANG panahon si Marian Rivera sa bashers. Sa kabila ng tahimik lamang na pagtatrabaho si Marian, mayroon pa rin siyang bashers na hindi yata kuntento kung hindi sila makakapanira sa kanilang kapwa.

MARIAN AT ZIA copy

“Kapag simula pa lamang may nabasa na ako, delete ko agad ang comment at block ko account nila,” nakangiting kuwento ni Marian. “Ayaw kong sirain ang araw ko sa pagbasa ng kanilang mga comments lalo na kung hindi naman totoo ang mga comments nila. Mas marami akong puwedeng pagkaabalahan kaysa basahin ang mga comments nila. Unang-una kong concern ang mag-ama ko, lalo si Zia na kailangan talaga ang pagsubaybay ko lagi, ngayon ngang nagtatrabaho na rin ang tatay niya. Kailangan ko ring ihanda ang mga gamit ni Dong para sa taping niya.

Human-Interest

ALAMIN: Pagbibigay ng 13th month pay sa mga empleyado, paano nagsimula?

“Mayroon din akong Flora Vida by Marian na ako ang personal na nag-a-arrange ng mga flowers na order sa akin. Then ang taping ko ng drama anthology ng mga OFWs natin, ang Tadhana. Natuloy na ang taping namin ng season ending namin na ako ang feature at si Dong ang nagdirek, last Thursday, August 3. Salamat po sa lahat ng mga sumusubaybay dahil papasok na kami sa season two.

“Nagsimula na rin akong mag-taping ng bago kong teleserye na may pagka-fantasy, ang Super Ma’am kaya masyado na akong busy. Every Sunday, live pa kami sa Sunday Pinasaya at talaga namang masaya kami lagi roon dahil para kaming isang pamilya na nagtutulungan sa lahat ng mga segments namin ng show, plus the top rating Sunday musical variety show kami. Huwag kayong makalimot manood sa Sunday, August 6, dahil iyon ang big celebration para sa second anniversary namin.

“Sa dami ng blessings na dumarating sa akin, na labis-labis kong ipinagpapasalamat, wala nang room sa akin para pansinin pa at bigyan ng oras ang mga negative comments nila.”