NI: Mar T. Supnad

GALIMUYOD, Ilocos Sur – Isang 44-anyos na magsasaka na kilalang lasenggero ang namatay nitong Huwebes ng gabi makaraang magpakalasing sa loob ng dalawang magkasunod na araw sa Barangay Oaig Daya sa Galimuyod, Ilocos Sur.

Ayon sa police report, wala nang buhay si Rolando Flores nang matagpuan ng kanyang anak na si Rodolfo sa kanilang likod-bahay, nitong Huwebes ng umaga.

Inamin ni Rodolfo na lasenggero ang kanyang ama at dalawang magkasunod na araw nang walang tigil sa paglaklak ng gin.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Sinabi rin ni Rodolfo na may alta-presyon ang kanyang ama.