Ni NORA CALDERON

MAY kumakalat na tsismis sa showbiz na nag-break sina Mark Herras at Wyn Marquez. Pero wala naman kaming makitang anumang sign ng break-up ng dalawa sa kani-kaniyang Instagram account.

Wyn Marquez - MWP copy copy

Katunayan, ito ang isa sa posts ni Mark, “Congrats pangga!!! Ehem pasok lang naman po sya sa Ms. World!!! Please support my panggaaa... alam kong pangarap mo to & this time alam kong ibibigay ni Lord yong dream mo!!! Go, pangga nasa likod harap gilid lahat na ng area ako to support you!!! Congrats I’m so excited panggaa!!! I love you!

Human-Interest

ALAMIN: Mga inisyatibo ng NCCA sa pagpapakilala ng kultura ng mga katutubo

#MyMissWorld.”

So, ‘yan ba ang nag-break? After ng post na ito ba ni Mark naganap ang break-up nila?

Pictures at updates naman sa pagiging #9 sa pagpasok bilang official candidate na ng Miss World Philippines ang sunud-sunod na post ni Wyn. Ginamit niya ang social media para i-promote ang muli niyang pagsali sa beauty pageant.

Matatandaan na hindi siya pinalad na makapag-uwi ng title nang sumali sa Binibining Pilipinas noong 2015.

Post ni Wyn: “If you want updates about my journey and MWP events please follow @msworldphil here on IG and twitter and like their FB page as well – Miss World Philippines Organization #Lucky9.

Kaya napabilis ang pagkawala ng character niya sa Mulawin vs Ravena bilang si Ribay, ang kanang kamay ni Reyna Rashana (Chynna Ortaleza) ng Halconia. Kailangan na kasi niyang maghanda para sa nalalapit na Miss World Philippines sa September.