Ni: Nitz Miralles

“MY conscience is clear. Wala akong anak.”

Ito ang isinagot ni Alden Richards nang interbyuhin ng 24 Oras tungkol sa paulit-ulit na isyung may anak siya sa pagkabinata. At ang tinutukoy na anak ng aktor ay ang younger sister niyang si Angel.

ALDEN copy copy

Human-Interest

Perwisyo! Netizen gumanti sa kapitbahay na nagparada ng kotse sa harap ng bahay niya

Supalpal ang bashers na nagpakalat ng isyu, lalo na’yung isang nagsabi na handa raw itong mademanda dahil sigurado ito sa kanyang facts. Kapitbahay daw nina Angel sa Laguna ang ina ni Angel at kinuha nina Alden ang bata noong baby pa ito at sila ang nagpalaki para maitago ang identity.

Ang sabi pa ng basher, 17 years old lang si Alden, 25 years old na siya ngayon at nine years old naman si Angel.

Hindi ba ang galing gumawa ng kuwento ng basher?

Hayun, hindi na rin nakatiis ang ama nina Angel at Alden, nag-tweet si Richard Faulkerson ng, “Kailangan ko na po magsalita... pa-DNA niyo ako at si Angel. Salamat po.”

May mga nagpapayo sa dad ni Alden na idemanda ang bashers lalo’t minor ang anak niyang si Angel. May nagpayo ring ilapit niya ito sa NBI Cybercrime Division at saka kasuhan ang bashers. Wala pang kasunod na tweet si Mr. Faulkerson tungkol dito.

Anyway, magandang balita sa fans ni Alden na naghihintay ng TV project nito ang ibinalita na may gagawin ito under GMA News and Public Affairs na ang karakter niya ay aktibista noong panahon ng Martial Law. Si Adolf Alix, Jr. ang muling magiging director ni Alden.