Ni: Mary Ann Santiago

Laya na si Monsignor Arnel Lagarejos, na inaresto nang maaktuhang may kasamang 13-anyos na babae na balak umano nitong dalhin sa isang motel upang makipagtalik, matapos payagan ng Marikina City Prosecutor’s Office na makapagpiyansa.

Pinayagan nina Prosecutors Nikolai Salinas, Ricardo Paet, Jr. at Linda Adame-Conos na makapagpiyansa si Lagarejos, sa halagang P120,000, para sa kasong paglabag sa Anti-Human Trafficking Act.

Samantala, nananatiling nasa kustodiya ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang 16-anyos na lalaki na siyang nagbugaw sa dalagita.

National

'Huwag kayo tumulad kay Bato at Baste!'—AI student