Ni: Orly L. Barcala
Sa pagkampay nagtapos ang buhay ng isang matandang lalaki nang pagbabarilin sa inuman sa Valenzuela City, nitong Lunes ng gabi.
Sa report ni Police Supt. Reynaldo Medina, deputy chief of police for operation ng Valenzuela Police, dead on the spot si Antonio Verzula, 60, alyas Tony Negro, ng No. 6 Christmas Street, Sta. Lucia Village, Phase 4, Barangay Punturin ng nasabing lungsod.
Base sa imbestigasyon, nakikipag-inuman si Verzula sa kanyang kumpare, si Lito Esuma, sa labas ng bahay ng una, dakong 7:30 ng gabi.
Makalipas ang ilang minuto, sumulpot ang armadong lalaki at malapitang pinagbabaril si Verzula.
“Si Verzula lang talaga ang target nung suspek kasi hindi niya binaril ang kainuman ng victim,” ani Medina.
Inaalam na ng awtoridad ang motibo sa pamamaslang.