Ni: Light A. Nolasco

MARIA AURORA, Aurora - Sisikapin ni Senador Cynthia Villar na makapagpatayo ng farm school sa bawat bayan sa bansa upang mabigyan ng sapat na kaalaman ang karamihan sa mga magsasaka.

Ito ang binigyang-diin ni Villar nang maging panauhing pandangal siya sa 48th founding anniversary ng bayan ng Ma. Aurora.

Aniya, hindi lang dapat sa pagtatanim at pagbebenta ng ani nakatuon ang bawat magsasaka kundi mahalagang malaman din ng mga ito kung paano palalaguin ang kanilang hanapbuhay bilang kasapi sa sektor ng agrikultura.
Probinsya

Truck na naghatid ng mga balota sa Bukidnon, nahulog sa bangin; isa patay!