Ni: Leonel M. Abasola

Sampal sa administrasyong Duterte ang paglusot ng P6.4-bilyon halaga ng shabu sa bansa, lalo dahil nakatuon ang kampanya ng pamahalaan sa pagsugpo sa ilegal na droga.

Dahil dito, para kay Senador Richard Gordon ay dapat sibakin sa tungkulin si Bureau of Custom (BoC) Commissioner Nicanor Faeldon dahil sa kapabayaang maipuslit sa bansa ang 600 kilong droga.

National

'Huwag kayo tumulad kay Bato at Baste!'—AI student

Aniya, dapat magkaroon ng malawakang balasahan at sibakin din ang mga tauhang bitbit ni Faeldon sa BoC.

Samantala, iginiit ni Senate Majority Leader Vicente Sotto III ang parusang kamatayan para sa “high-level drug traffickers”.

Aniya, mas malaki ang tsansa na makapasa ang death penalty sa Senado kung ang mga high-level drug pusher ang parurusahan.