Ni: Bella Gamotea

Sa harap mismo ng pamilya pinatay ang isang electrician na pinagbabaril ng hindi pa nakikilalang suspek sa Makati City, kamakalawa ng gabi.

Dead on arrival sa Makati Medical Center si Salvarey Castillo, 29, ng Barangay Olympia, Makati City, na nagtamo ng ilang tama ng bala sa katawan.

Sa ulat ng Makati City Police, naganap ang pamamaril sa loob ng bahay ng biktima, bago mag-12:00 ng hatinggabi.

National

Ilang retiradong AFP at PNP officials, sumulat kay PBBM; inalmahan 2025 nat'l budget?

Ayon kay alyas Carlo, kaibigan ng biktima, nag-iinuman sila sa loob ng bahay nang biglang pumasok ang isang armadong lalaki, nakasuot ng sombrero, saka ilang beses binaril si Castillo sa harap mismo ng tatlong anak at misis nito.

Sa pagbulagta ni Castillo, kumaripas palabas ang suspek at sumakay sa nakaabang na motorsiklong walang plaka hanggang sa humarurot.

Tinangka pa umanong habulin ng ilang residente ang mga suspek ngunit pinaputukan ang mga ito at masuwerteng walang tinamaan.