Wynwin Marquez
Wynwin Marquez

by Nitz Miralles

IN-ANNOUNCE na ni Wynwin Marquez sa pamamagitan ng Instagram na sumali siya sa 2017 Miss World Philippines.

“Hi! I just want to share that I’m now an official Miss World Philippines 2017 candidate.”

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Mixed reactions ang netizens sa muling pagsali ni Wyn sa beauty contest, may mga natuwa dahil ginaya raw niya si Pia Wurtzbach na three times nag-attempt sa Bb. Pilipinas bago nanalo at naging Miss Universe pa.

Pero may mga nagnega rin sa desisyon ni Wyn na subukan muling sumali sa beauty contest. Sana raw nag-stick na lang siya sa showbiz at may career pa siya lalo’t kasama siya sa cast ng Mulawin vs Ravena bilang si Ribay na isang Ravena.

May nagtanong nga kay Wyn kung aalis na siya sa Mulawin vs Ravena dahil hindi niya kakayaning mag-taping habang naghahanda sa pageant night ng 2017 Miss World.

Sa pagsali ni Wyn sa 2017 Miss World, napatunayang hindi totoo ang tsismis na kasal na sila ni Mark Herras. Bawal sumali sa mga ganitong beauty contest ang may asawa.

Pero siguradong 100 percent ang suporta ni Mark sa girlfriend.