Ni: Reggee Bonoan

HINDI nagustuhan ng ABS-CBN executive na nakausap namin ang nasulat na hindi napili si Ogie Alcasid bilang host ng Little Big Shots dahil paborito raw si Billy Crawford ng management.

Parehong nag-audition sina Billy at Ogie para sa bagong franchise show ng ABS-CBN na magsisimula na sa Agosto 12 at 13 at ang una ang napili ng Warner Brothers, ang may-ari ng Little Big Shots na hino-host ni Steve Harvey.

BILLY copy

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

“Mock taping ‘yun, hindi pa final ‘yun kasi prinesent pa ‘yun sa Warner Bros at sila ang namili kung sino ang dapat na host sa Little Big Shots,” paliwanag sa amin ng exec.

Aware raw si Ogie na mock taping iyon at ito rin naman ang sinabi nito sa entertainment media na nag-interbyu sa singer-composer kamakailan.

Ano nga ba kasi ng naging basehan sa pagpili ng host para sa Little Big Shots.

“Ang explanation nila sa amin, pareho nilang nakitaan ng rapport sa bata sina Billy at Ogie, pero may mas napansin ng Warners Bros na parang hindi kilala pa ng mga bata si Ogie, kasi nga siguro bago pa lang siya sa ABS at sa Your Face Sounds Familiar pa lang naman siya regular na napanood before and some TV guestings. Unlike Billy, halos laman siya ng telebisyon like It’s Showtime na halos everyday napapanood siya six days a week, ‘tapos there was a time na nasa Your Face Sounds Familiar din siya as host.

“In other words, mas maraming exposure si Billy kaysa kay Ogie and it’s a big factor iyon for kids. Same kids din naman ‘yung kasama nina Ogie at Billy sa mock taping.

“Hindi naman ang ABS-CBN management ang magde-decide kung sino ang dapat host ng show, siyempre ang franchise owner, ang Warner Bros,” kuwento sa amin.

Ibig bang sabihin, lahat ng sumaling kids sa Little Big Shot ay sa Kapamilya Network nakatutok at wala ni isa mang nanonood sa GMA 7 o sa TV5 na pinanggalingan ni Ogie Alcasid?

“Well, ang kids ang dapat sumagot niyan hindi kami, kasi sila naman ‘yung na-encounter ni Ogie,” mabilis na sagot ng kausap naming abs-cbn top gun.

Ilang taon ang kids na sumali sa Little Big Shots at paano sila napili?

“Mayroon kaming three years old sa show, meron nga two years old, sobrang galing, ‘kaso hindi namin in-accommodate kasi masyadong bata, baka nagdedede pa ‘yun, ha-ha! Actually, we have three years old sa show and may 13 years old din kami, malalaki ‘yung ibang contestants, nakakagulat ang mga bata ngayon.

“Siyempre ang basehan dapat talented ka, kakaiba ‘yung talent mo hindi lang sa singing, dancing, acting etcetera,” dugtong na kuwento pa sa amin.

Nagmamadali ang kausap naming exec ng Dos kaya hindi namin naitanong kung gaano kalalaki o katatangkad ang mga bagets na kasali sa LBS, kasi baka isa rin ito sa mga naging basehan ng Warner Bros, na baka hindi napili si Ogie dahil halos kasing tangkad lang nito ang mga contestant.

E, mahirap nga namang ma-identify kung sino ang contestant at kung sino naman host ng programa. Unlike Billy na matangkad bukod pa sa mas kilala nga siya ng mga bata.

Si Steve Harvey pala, Bossing DMB ay 6’5” ang height kaya kahit matatangkad ang mga batang contestant ay hindi nila natatabunan ang TV host.

Naiisip marahil ng iba na mas may karapatang maging host si Ogie dahil nga may anak na siya at alam na niya ang pulso ng mga bata unlike Billy na hindi pa tatay.

Nang itanong namin kung totoong kasama raw sa kontrata ni Ogie ang Little Big Shots, “As far as I know, hindi totoo,” mabilis na sagot sa amin.