Ni: Leandro Alborote

PURA, Tarlac - Nagpositibo ang buy-bust operation ng mga pulis at nalambat ang tatlong umano’y durugista sa Barangay Nilasin 1st, Pura, Tarlac.

Kinasuhan sa pag-iingat ng hinihinalang shabu sina Leonil Aligam, 39; Reynaldo Selga, 45; at Dindo Aligam, 38, pawang taga-Bgy. San Vicente, Sta. Maria, Pangasinan.

Nakarekober umano ang pulisya ng hindi matiyak na gramo ng shabu sa mga suspek kapalit ng P500 marked money.

Probinsya

Bomb threat sa Zamboanga airport, natagpuan sa CR