Ni NITZ MIRALLES

SIGURADONG lalong maba-bash si Andrea Torres dahil sa pahayag ni Dingdong Dantes na, “I don’t think anyone deserves to be cyberbullied. It is something we should all stop” na may kinaalaman sa pamba-bash kay Andrea ng ilang (malinaw ang sinulat namin, ilan lang) fans nina Dingdong at Marian Rivera dahil may gusto raw ang dalaga kay Dingdong.

DINGDONG copy

Iisipin ng mga selosang fans na ipinagtanggol ni Dingdong si Andrea na kasama niya uli at isa sa kapareha sa Alyas Robin Hood 2. Hindi na nila pakikinggan ang iba pang sinabi ni Dingdong tungkol sa isyu sa kanila ni Andrea at damay si Marian na nagseselos daw kay Andrea.

Human-Interest

ALAMIN: Mga inisyatibo ng NCCA sa pagpapakilala ng kultura ng mga katutubo

“I think na-clarify naman nila (Marian at Andrea). Naklaro na nila ‘yun dati pa. What’s important now is gawin namin ang trabaho namin, ang ganda ng opportunity na ibinalik ang Alyas Robin Hood, kaya sana, ‘wag nang bigyan ng ibang kulay ang magandang trabaho namin lalo na ng mga taong hindi nakakaintindi,” pahayag ni Dingdong.

Sa Book 1 ng Alyas Robin Hood unang nagkaroon ng isyu tungkol kina Dingdong at Andrea at nakakatuwang basahin ang mga hanash ng fans na pinapansin pati outfit na isinusuot ni Andrea sa taping. Too revealing daw lalo na kung eksena nila ni Dingdong.

Pero kung kilala nila si Andrea, kahit noong wala pang Alyas Robin Hood, sexy na siyang manamit at madalas, labas ang cleavage. Sa Book 1 din ng action series, itinanggi nito ang pagli-link sa kanila ni Dingdong at pati ang nasulat na pagpunta raw ni Marian sa taping para siya’y kausapin.

Anyway, sa third week ng August na yata ang pilot ng Alyas Robin Hood 2 at masasabing birthday presentation ito ni Dingdong na birthday sa August 2. Nangako si Direk Dominic Zapata ng mas maaksiyon, mas malalaking eksena at mas madugo ang mapapanood ng viewers sa Alyas Robin Hood 2.